Thursday, March 12, 2009

wrd7calupz

Kakaibang siglang / aking nadarama
Masilayan ka lang / sa tuwi-tuwina
Itong yaring puso'y / lulundag sa saya
Para bang sasabog / sa sobrang ligaya

Sa mga panahong / nakikita kita
Ang ngiti sa mukha /ay hindi mabura
Ang kaba sa dibdib / ay bumibilis na
Waring nagwawala / at nag-aalpas pa

Hindi ko malaman / ang aking gagawin
Sa tuwing magtatama /ang ating paningin
Hindi rin maisip / aking sasabihin
Pag ika'y umimik / nagtanong sa akin

Kapag pinipikit / aking mga mata
Maamo mong mukha / aking nakikita
Maging sa pagtulog / ay naaalala
At sa panaginip / ay laging kasama

Larawang sa aki'y / iyong ibinigay
Tinuring itong / kayamanang taglay
Mahalaga pa nga / kaysa ibang bagay
Pag-iingat dito / ay tunay na tunay

Sa bawat minuto / at bawat segundo
Di ka nawawaglit / sa puso't isip ko
Masayang biruang / ibinahagi mo
Di ko lilimutin / pangako ko ito

No comments:

Post a Comment