Friday, March 20, 2009


Melanie Calupas
Napapagaan ng kakaibang akda ni Egay kahit papaano ang damdamin ng mambabasa, sapagkat nakokontrol na ng manunulat ang posibleng nararamdaman ng mga karakter. Malaki ang nagiging epekto nito sa mga mambabasa dahil minsan may mga nag-iisip at nagpapalagay na sila mismo ang karakter na nabanggit sa isang kwento.
Sa kabuuan, nagtataka ako kung bakit kahit medyo sensitibo ang tinatalakay ay naipahahayag pa rin ito nang malinaw at walang pag-aalinlangan. May mga pahayag rin na matatalinhaga, na tumutulong sa pagpapagana ng utang ng mga mambabasa.
Halos lahat ng aspeto ay nakapaloob sa nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog. Hindi aakalain ng sinumang babasa ng akda na ito ay kathang-isip lamang sapagkat nararamdaman sa pagitan ng taludtoa ang iba't ibang eksena tulad ng romansa, komedya, drama, at trahedya na karaniwang nangyayari sa buhay ng isang tao.
Tinataglay ng manunulat ang mga katangian ng isang magaling at bihasang manunulat na mahirap matagpuan sa ibang awtor. Nakamamanghang malaman na nagawa n'ya ang akda sa edad na 25.

Wednesday, March 18, 2009

Ako at ang Tatsulok Kong Daigdig


Kung ating pag-uusapan ay ang pagkakapantay-pantay
Iyang tatsulok na daigdig ay sadya ngang malupaypay
Sapagkat buong sanlibutan sa salapi nakasalalay
Walang ibang pinaiikot kundi ang perang nasa kamay

Thursday, March 12, 2009

wrd7calupz

Kakaibang siglang / aking nadarama
Masilayan ka lang / sa tuwi-tuwina
Itong yaring puso'y / lulundag sa saya
Para bang sasabog / sa sobrang ligaya

Sa mga panahong / nakikita kita
Ang ngiti sa mukha /ay hindi mabura
Ang kaba sa dibdib / ay bumibilis na
Waring nagwawala / at nag-aalpas pa

Hindi ko malaman / ang aking gagawin
Sa tuwing magtatama /ang ating paningin
Hindi rin maisip / aking sasabihin
Pag ika'y umimik / nagtanong sa akin

Kapag pinipikit / aking mga mata
Maamo mong mukha / aking nakikita
Maging sa pagtulog / ay naaalala
At sa panaginip / ay laging kasama

Larawang sa aki'y / iyong ibinigay
Tinuring itong / kayamanang taglay
Mahalaga pa nga / kaysa ibang bagay
Pag-iingat dito / ay tunay na tunay

Sa bawat minuto / at bawat segundo
Di ka nawawaglit / sa puso't isip ko
Masayang biruang / ibinahagi mo
Di ko lilimutin / pangako ko ito